Tuesday, August 19, 2008

A Conversation with My 12-Year-Old-Self


Last week naisipan kong basahing muli ang diary ko nung 12 years old pa lang ako. Pagbuklat ko dito ay bumungad sa akin ang title na: “Gala’s Journal”. Gala kasi ang palayaw ko noong bata ako. Nakakatuwa palang basahin ang diary ng isang bata. Ang daming emosyon, ang daming kalokohan at ka-dramahan. Ilang beses ko ding naitanong: “Ako ba talaga ‘to?” Paano kaya kung makaharap ko ang batang ako? Ano ang sasabihin namin sa isa’t isa?

Mukhang maganda ngang idea yun. Umpisahan ko kaya dito sa panahong sinulat ko ang pahinang “Three Things To Accomplish”? Ito kasi ang isa sa pinaka-pumukaw ng aking atensiyon.

1. INT. GALA’S ROOM. DAY (naks! script!)

Ako: (reads Gala’s list) #1) Learn to play the guitar

Gala: (excited) Alam mo, Ate, hiningi ko na kay tito Erick yung gitara niya para mapag-aralan ko na.

Ituturo niya ang gitarang nasa tabi ng kama na later on ay papangalanan niyang Basty.

Ako: Maganda yan! It’s good na mahilig ka sa music.

Gala: Oo nga eh. Kaso nag-iipon pa ako para makapag-aral ng guitar lessons. Ayoko kasing humingi pa kila Papa, ang dami na nilang gastos sa tuition namin ni Kuya. Tapos yung bayad pa sa kuryente, sa tubig at kung saan saan pa.

Ako: hehe, para ka namang matanda kung mag-isip! (a beat) Pero alam mo, pwede kang matutong mag-gitara sa sarili mo lang.

Gala: Talaga, Ate?

Ako: Oo! Tumingin ka sa mga songhits, madalas merong chord chart dun. Madali lang sundan. Dun lang din ako natuto mag-gitara eh!

Gala: Wow! Thank you, Ate! Bibili na’ko ngayon din!

Nagmamadaling tatayo si Gala.

Ako: Teka, mamaya na! Maupo ka muna. Ngayon na nga lang tayo nag-usap, aalis ka pa agad.

Gala: (sits) Sorry Ate, I got carried away. (englishera?)

Ako: (reads the list again) #2) Go on a trip to India… Wow! This sounds interesting… Of all the places, why India?

Gala: Hmmm.. para kasing napaka-mysterious ng India para sa’kin… Hindi ba’t sa kanila nagmula yung Buddhism, Hinduism, Sikhism at Jainism?

Ako: Tlga? Pasensiya na hindi ko na matandaan yan… Atsaka teka, ano namang kinalaman ng mga religion na yun sa kagustuhan mong puntahan ang India?

Gala: Nacu-curious kasi ako kung ano bang meron sa India… Napaka-“spiritual” siguro ng lugar na ‘yun para pagmulan ng 4 na relihiyon.

Ako: (smiles and pats Gala’s head) Ang weirdo mo talagang bata ka.

Gala: Masama bang maging weirdo, ate?

Ako: No… I think weird is good.

Mapapangiti si Gala. Babasahin ko naman ang ikatlo sa kanyang listahan.

Ako: #3) Write a bestseller… hahaha! Ikaw talaga! Ang bata bata mo pa gusto mo nang kumita agad ng malaki!

Gala: Yan ang pinaka-dream ko, Ate!

Ako: Ang yumaman?

Gala: Hindi. Ang makasulat ng libro/nobela na maraming tatangkilik. Para kasing ang sarap sa pakiramdam na maraming tao ang natutuwa, nakaka-relate at natututo sa mga sinulat mo… Ikaw Ate, nasubukan mo na bang sumulat?

Ako: Oo, iyon ang trabaho ko.

Gala: Wow! E di nakagawa ka na ng bestseller?

Ako: Naku hindi… hindi naman ako ganun ka-galing.

Gala: Pero gusto mo?

Ako: . . . ‘Yun ang pangarap ko.

Gala: Yun naman pala! Eh bakit hindi mo gawin?

Ako: Hindi naman ganun kadali yun.

Gala: Ganun lang dapat kadali yun, Ate.

Ako: Hindi mo pa kasi nararanasang ma-reject---

Gala: (cutting me off) Wag mong sabihing hindi mo kaya?

(A beat)

Ako: Honestly, hindi nga ako sigurado kung kaya ko.

Gala: Ate, wag kang magagalit ha? Pero ang hina naman ng loob mo.. Masuwerte ka nga nandiyan ka na at nabibigyan ng pagkakataong magsulat… Kung ako ang nasa posisyon mo, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maabot ang mga pangarap ko… Kagaya nga ng palaging pangaral sakin ni Papa: “Walang imposible, basta magtiwala ka lang.”

Ako: (smiles) Close ka din sa Papa mo?

Gala: Oo! Idol ko nga siya eh! Alam mo ba, Ate? Kahit bulag si Papa ko, hindi niya ni minsan ginamit na dahilan iyon para mawalan siya ng tiwala sa sarili niya at sa mga bagay na kaya niyang gawin. Siya ang inspirasyon ko. At hindi ko siya bibiguin.

Kitang kita ko ang determinasyon sa mga mata ni Gala. Natigilan ako. Nahiya sa aking sarili. Oo nga, when did I stop believing in myself? When did I stop dreaming? How did I ever forget that lesson my father taught me? Niyakap ko ang batang si Gala, thankful for this eye-opening conversation.

Ako: Salamat ha?

Gala: Para saan?

Ako: Dahil nakilala kita ulit.

Gala: (smiles and turns to go) Sige ate, alis na muna ako!

Ako: Saan ka pupunta?

Gala: Bibili ng songhits, mag-aaral mag-gitara!

Ako: Teka, pwedeng iwan mo na muna yung papel at ballpen mo? May susubukan lang akong sulatin.

Gala: Anong susulatin mo?

Ako: (smiles at her) Concepts para sa magiging bestseller kong libro.


Her face lights up. Bibigyan ako ni Gala ng thumbs-up sign at kikindatan ko naman siya… =)

2 comments:

Bee_Hive said...

sigh.. waht i wouldn't give to talk to my former idealistic self.

hungry_young_poet said...

wow, may blogger ka na pala! :) what's the sigh for? you can always talk to the child within you.. :)