Thursday, July 24, 2008

Hindi Dapat

Kahapon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang taong itago na lang natin sa pangalang Goryo. Dati ko siyang kasamahang manunulat sa isang kumpanyang pinagtrabahuhan ko. Gusto daw nilang kunin muli ang aking serbisyo. Hindi ko na lang din papangalanan ang kumpanya dahil hindi din naman naging maganda ang karanasan ko dito. At sa totoo lang, hindi din kagandahan ang nilalaman ng sasabihin ko.


Nang mag-ring ang aking phone at nag-register ang pangalan ni Goryo ay nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Paano mo ba kakausapin ang taong nag-umpisa ng malisyosong tsismis na pansamantalang dinungisan ang iyong kredibilidad? Matapos makipagtalo sa aking sarili, sinagot ko na din ang tawag.


Masayahin ang boses na isinalubong sa akin ni Goryo. Yung tipo ng boses na ginagamit mo kapag kausap ang isang matalik na kaibigan. Kinausap niya ako na tila ba wala siyang malaking atraso sa akin. Kailangan daw nila ng follow-up human-interest articles tungkol sa mga kabataang ininterview ko dati. Gusto ko sanang sabihin na bilib ako sa kapal ng pagmumukha nila para kunin pang muli ang aking serbisyo matapos ang ginawa nila sakin (sorry if I sound mean). Ngunit dahil mabuti ang pagpapalaki sa akin ng magulang ko, sinabi ko na lang na busy ako.


“Ikaw pa? Kilala kita. Sanay ka namang sumulat under pressure eh!” Biro niya sa akin. Sa isip isip ko, “Talaga lang ha? Kung kilala mo talaga ako, you should know na nagpipigil lang akong hindi ka masigawan.” Pero dahil nga nagpipigil ako, sinabi ko na lang na hindi ko talaga magagawa.


“Name your price. Willing naman yata mag-shed out ang company ng malaki for this project.”


Aaaahh name my price pala ha!
Nagbigay ako ng presyo, halos triple ng dating sinisingil ko sa kanila. Tumahimik sandali si Goryo, obviously shocked. “Seryoso ka ba?” tanong niya matapos makabawi. “Oo.” Maikling sagot ko para tigilan niya na ako dahil alam ko namang hindi papayag ang kumpanya. “Baka naman pwedeng dagdagan na lang natin ng (a measly percentage of my TF) ang payment?” sabi pa niya. “Hindi.” Sagot ko ulit. Sinubukan niya pa akong bolahin. Pumayag na daw ako kasi ako daw ang mas may kilala sa mga kabataang ininterview ko at baka mahirapan daw mag-open up sa kanila… etc..


Maya maya ay tinatawaran na naman niya ako. At dahil nga matagal ko nang pinipigilan ang aking sarili, nataasan ko na siya ng boses. Ang sabi ko “Kaya nga yun tinawag na Talent Fee kasi talento ang puhunan. Tapos ngayon tatad-tawaran mo lang na para bang nasa palengke tayo? Ano yun? Isda na pwede mong tawaran?!” Yun na ang mga huling salitang namagitan sa amin. Hindi ko na matandaan kung ako ba o siya ang unang nagbaba.


Alam kong hindi maganda ang ginawa ko. And I am not proud of it. But for the moment, hayaan na lang muna sana nila akong magalit. Intindihin na lang sana nila that this outpouring was long overdue. I have always hated regrets. Pero kung meron man akong nagawa na nire-regret ko, eto yung huling araw ko sa kumpanyang iyon. Yung araw na natapak tapakan ang pagkatao ko dahil sa malisyosong tsismis na ginawa niya sampu ng kanyang mga kasamahan. Pinagsisishan kong lumabas ako ng opisina na umiiyak at nakatungo. Hindi ako dapat lumabas ng nakatungo. Hindi dapat.

1 comment:

Anonymous said...

that Goryo's a jerk! You did alright, Glads. He deserves it.

-STILL