Thursday, January 22, 2009

Liligawan Kong Muli Ang Aking Pangarap

Pasensiya ka na
Kung naging duwag ako.
Ilang galos din kasi ang aking natamo
sa pilit na pag-abot sa iyo.

Pagkakamali ko nga marahil.
Kung bakit ngayo’y ang hirap mo nang abutin.
Iniluklok kita sa napakataas na pedestal.
Hindi mo naman ito hiniling.

Pero ngayo’y buo na ang loob ko
Liligawan kitang muli… susuyuin.
Pangako, patutunayan kong
Ako sayo’y karapat dapat pa rin.

3 comments:

えすたひめ essie-hime said...

waaa, finally tolskie, a new post! ^__^

basta kung kailangan mo ng taga-harana kay Pangarap, andito lang lagi ako. Back up vocals mo.. *wink*

hungry_young_poet said...

hehe, thank you so much tol! naisip kong sulatin na lang 2 kagabi nung nafu-frustrate ako sa tagalog writing ko.. hehe.. xD

basta tol, kung ikaw din kailangan mo ng back up sa panghaharana mo, andito lang din ako! all the time! labshu tol! ^____^

Anonymous said...

napaka-interesante, thanks