Kahapon ay ikinasal ang pinsan kong si Joluz. Hay… Kapag tinitingnan ko ang saya sa kanyang mukha, hindi ko din mapigilang mapangiti… Ang sarap sarap nga talaga siguro ng pakiramdam ng ikinakasal. Yung tipong alam mong nandoon ang pamilya at mga kaibigan mo para makiparte sa isa sa pinakamahalagang parte ng iyong buhay. At siyempre pa, nandoon sa may altar ang lalaking sumusumpang mamahalin at aalagaan ka habambuhay, kesehodang maging lumba lumba ka pa o kaya naman magmukhang palad na ang mukha mo sa dami ng age lines. Hay, ang sarap malamang may magmamahal sa iyo ng ganon… =) (*kilig kilig*)
Naalala ko din tuloy nang bumisita kami sa isang matandang simbahan sa may Pila, Laguna noong isang buwan. Kasama ko ang aking kaibigang si Mac0ie sa mga bench na di kalayuan sa simbahan. Kasalukuyan kaming nagdo-drawing, (Hehe, siya ang nagdo-drawing. Ako, nagpapanggap lang!) nang biglang tumunog ang *dambera. Nalaman naming may ikakasal pala. At dahil likas na sa amin ang pagiging usisero at usisera ay pumasok din kami sa loob ng simbahan para tingnan ang ikakasal. In fairness, ang ganda nung bride. Nagniningning ang mga mata. At yung groom? Ah eh… Hayaan niyo na lang na ang usapang ito ang magsabi para sa akin.
Mac0ie: hahaha! Ady, bakit ganyan ang ngiti mo? Daig mo pa yung bride!
Gladys: (blushing) Eh kasi… nakakahawa yung ngiti niya. Parang ang saya saya niya… parang inlove na inlove…
Mac0ie: oo nga, no? (looks at the groom) Pero bakit ganun? Yung groom parang kanina pa pinagpapawisan? Ni hindi ngumingiti?
Gladys: oo nga noh! Hmmm… baka naman kinakabahan?
Mac0ie: pwede.
Gladys: pero anong dapat ikakaba eh wala namang tumutol nang magtanong ang pari? (thinking) aha! Baka napu-pupu lang siya! Hihihi…
Mac0ie: hehe, sira! Hmmm… Baka naman di pa sawa sa pagkabinata?
(a beat) hindi kaya..?
Mac0ie and Gladys: Shotgun wedding yan?
Gladys: hahaha.. tama tama! Kaya siguro ganyan yung itsura nung groom, napilitan lang!
Opo, mukha ngang napilitan lang si groom (yun eh sa amin lang namang palagay.. hihihih). Pero ano nga bang punto ko sa pagsusulat ng blog na ito? Sa totoo lang, wala naman talaga… kung hindi isang makulit na pagmumuni muni lang na:
Tulad ng pinsan ko at ng bride na itsinismis ko sa inyo, Ganun din kaya ang ganda ng ngiti ko at ningning ng aking mga mata kapag ikinasal na ako?
(teka, ikakasal nga ba ako? Hahahah!)
*dambera- salitang inimbento ni Mac0ie na ang ibig sabihin ay kampana. Hahaha! ^__^
4 comments:
ahaha, may pagka chismoso din pala si Manong noh? :p
pero i bet 'tol, mas maganda pa ngiti mo keysa dun sa ikakasal.. x1000! ^___^
hmmn, nagpaparamdam na ba ang tadhana 'tol? kasasalo mo lng ng bouquet di ba? :p
abay aku ha! :D
hehehe... oo nga tol eh.. xD hindi ka lang abay, host ka pa! =)
pero bago ako, mauna na muna kayo ni arvin tolskie! hehehe... =)
Well well well, nasagot na ang tanong mo;) (walang magawa sa ofc kya ngbacktrack ng mga entries nyo lol)
My top 4 beautiful brides (by far and at least the ones I recall):
1. Lucy Torres-Gomez
2. Mikee Cojuangco-Jaworski
3. Judy Ann Santos-Agoncillo
4. GLADYS VILLAREAL FELIX
hihihi. I love yah Glads. Though mejo fail ung pagkanta ko, I'm still thankful for that experience. Sa renewal ng vows nyo pede kakanta ako uli, and by that time I'll do it perfectly hahaha! chos! xD
~Nellie~
Awwww super thanks, Nelliepoks! At sinong nagsabing fail ang pagkakakanta mo? Babatukan ko! Hmp! Pero sobrang thank you talaga sa inyo ni Akong ha? Love you too, Nellie!
Post a Comment