Ikakasal na ako.
Or at least yun ang sabi sa pamahiin. Ako kasi ang mapalad na nakasalo ng bouquet noong kasal ng aking pinsan. (Hehe, actually it’s more like, sa akin nai-bato). Tuwing inihahagis na kasi ng pinsan ko ang bouquet, laging nagtatakbuhan papalayo ang mga kadalagahan. Dahil wala sa mga girls ang gustong sumalo, ibinato na lang ng matalinong bride ang bouquet. At tulad nga po ng sinabi ko, ako ang sinuwerte (o minalas) na tinamaan.
Bakit nga kaya sa panahon ngayon, tuwing may ikakasal at nandun na sa parteng ihahagis ng bride ang bouquet, walang gustong sumalo? Karamihan kaya sa ating mga kababaihan ngayon may phobia na talaga sa kasal? O posible ding wala silang nakikitang cute sa mga sasalo ng garter? O baka naman kagaya ko lang din silang… nagpapa-cute lang? hehe.. xD
O ayan, inamin ko na, nagpa-cute lang ako kasi nakita kong nag-iiwasan silang lahat. Magmumukha naman kasi akong very eager kung ako lang ang katangi-tanging hindi iiwas, di ba? ^__^ Kaya ayun, super iwas na din ako kuno.. =)
In fairness, sinubukan ko naman talagang umiwas… hihihi… xD
Hindi naman na din ako takot ikasal. Sa katunayan, pinapangarap ko din ang araw na iyon. Pero kagaya ng sinasabi ko sa mga friends ko. “Malalaman ko lang kung ready na akong magka-pamilya kung handa na din akong i-share sa anak ko ang balat ng fried chicken kapag hiningi niya sa akin ito.”
Hindi naman ako madamot na tao pero ewan ko ba, basta pagdating sa balat ng chicken nahihirapan akong mag-share.
Naalala ko lang noong bata pa ako. Lagi kong hinihingi kay mama yung balat ng fried chicken niya. Buong puso at may ngiti niya pang ibinibigay sa akin yun. Napa-isip tuloy ako: Ganoon ba talaga kapag mommy ka na? Kung mommy na ba ako, handa na kaya akong ibigay din ng buong buo ang paborito kong parte ng pritong manok? (with matching smile pa ha!)
Ang sagot?
Medyo handa na. Pero sa palagay ko, pipiraso pa muna ako ng kaunti bago ko tuluyang ibigay ang malaking parte sa kanya… xD
Oo nga pala, kung saan saan na naman napunta ang kuwento ko. Bago ko tuluyang makalimutan, ito nga pala ang picture ng bouquet na nag-landing sa aking mga paa.. =)
6 comments:
^_^ naisip ko lng din un mismong scene na nasa dining table na kau and ibibigay mo n little ady mo un balat ng manok... naiimagine ko lng po na un maswerte mong hubby nakangiti habang tumitingin sa inyo... at pagkabigay mo nun balat sa anak mo... pagbaling mo ng tingin sa plato mo, meron na ulit balat... nailagay n ng asaw mo un balat ng chiken nya ^_~
^__________^
that was really sweet.. =)
^__________^
that was really sweet.. =)
nilalanggam ako! :p
happy that you're happy. :}
-bee
to bee: thank you.. ^___^
Post a Comment