Sunday, April 20, 2008

Ikakasal Na Ako

Ikakasal na ako.

Or at least yun ang sabi sa pamahiin. Ako kasi ang mapalad na nakasalo ng bouquet noong kasal ng aking pinsan. (Hehe, actually it’s more like, sa akin nai-bato). Tuwing inihahagis na kasi ng pinsan ko ang bouquet, laging nagtatakbuhan papalayo ang mga kadalagahan. Dahil wala sa mga girls ang gustong sumalo, ibinato na lang ng matalinong bride ang bouquet. At tulad nga po ng sinabi ko, ako ang sinuwerte (o minalas) na tinamaan.

Bakit nga kaya sa panahon ngayon, tuwing may ikakasal at nandun na sa parteng ihahagis ng bride ang bouquet, walang gustong sumalo? Karamihan kaya sa ating mga kababaihan ngayon may phobia na talaga sa kasal? O posible ding wala silang nakikitang cute sa mga sasalo ng garter? O baka naman kagaya ko lang din silang… nagpapa-cute lang? hehe.. xD

O ayan, inamin ko na, nagpa-cute lang ako kasi nakita kong nag-iiwasan silang lahat. Magmumukha naman kasi akong very eager kung ako lang ang katangi-tanging hindi iiwas, di ba? ^__^ Kaya ayun, super iwas na din ako kuno.. =)

In fairness, sinubukan ko naman talagang umiwas… hihihi… xD

Hindi naman na din ako takot ikasal. Sa katunayan, pinapangarap ko din ang araw na iyon. Pero kagaya ng sinasabi ko sa mga friends ko. “Malalaman ko lang kung ready na akong magka-pamilya kung handa na din akong i-share sa anak ko ang balat ng fried chicken kapag hiningi niya sa akin ito.”

Hindi naman ako madamot na tao pero ewan ko ba, basta pagdating sa balat ng chicken nahihirapan akong mag-share.

Naalala ko lang noong bata pa ako. Lagi kong hinihingi kay mama yung balat ng fried chicken niya. Buong puso at may ngiti niya pang ibinibigay sa akin yun. Napa-isip tuloy ako: Ganoon ba talaga kapag mommy ka na? Kung mommy na ba ako, handa na kaya akong ibigay din ng buong buo ang paborito kong parte ng pritong manok? (with matching smile pa ha!)

Ang sagot?

Medyo handa na. Pero sa palagay ko, pipiraso pa muna ako ng kaunti bago ko tuluyang ibigay ang malaking parte sa kanya… xD

Oo nga pala, kung saan saan na naman napunta ang kuwento ko. Bago ko tuluyang makalimutan, ito nga pala ang picture ng bouquet na nag-landing sa aking mga paa.. =)









Saturday, April 19, 2008

Ang Ngiti ng Isang Ikakasal

Kahapon ay ikinasal ang pinsan kong si Joluz. Hay… Kapag tinitingnan ko ang saya sa kanyang mukha, hindi ko din mapigilang mapangiti… Ang sarap sarap nga talaga siguro ng pakiramdam ng ikinakasal. Yung tipong alam mong nandoon ang pamilya at mga kaibigan mo para makiparte sa isa sa pinakamahalagang parte ng iyong buhay. At siyempre pa, nandoon sa may altar ang lalaking sumusumpang mamahalin at aalagaan ka habambuhay, kesehodang maging lumba lumba ka pa o kaya naman magmukhang palad na ang mukha mo sa dami ng age lines. Hay, ang sarap malamang may magmamahal sa iyo ng ganon… =) (*kilig kilig*)

Naalala ko din tuloy nang bumisita kami sa isang matandang simbahan sa may Pila, Laguna noong isang buwan. Kasama ko ang aking kaibigang si Mac0ie sa mga bench na di kalayuan sa simbahan. Kasalukuyan kaming nagdo-drawing, (Hehe, siya ang nagdo-drawing. Ako, nagpapanggap lang!) nang biglang tumunog ang *dambera. Nalaman naming may ikakasal pala. At dahil likas na sa amin ang pagiging usisero at usisera ay pumasok din kami sa loob ng simbahan para tingnan ang ikakasal. In fairness, ang ganda nung bride. Nagniningning ang mga mata. At yung groom? Ah eh… Hayaan niyo na lang na ang usapang ito ang magsabi para sa akin.

Mac0ie: hahaha! Ady, bakit ganyan ang ngiti mo? Daig mo pa yung bride!
Gladys: (blushing) Eh kasi… nakakahawa yung ngiti niya. Parang ang saya saya niya… parang inlove na inlove…
Mac0ie: oo nga, no? (looks at the groom) Pero bakit ganun? Yung groom parang kanina pa pinagpapawisan? Ni hindi ngumingiti?
Gladys: oo nga noh! Hmmm… baka naman kinakabahan?
Mac0ie: pwede.
Gladys: pero anong dapat ikakaba eh wala namang tumutol nang magtanong ang pari? (thinking) aha! Baka napu-pupu lang siya! Hihihi…
Mac0ie: hehe, sira! Hmmm… Baka naman di pa sawa sa pagkabinata?
(a beat) hindi kaya..?
Mac0ie and Gladys: Shotgun wedding yan?
Gladys: hahaha.. tama tama! Kaya siguro ganyan yung itsura nung groom, napilitan lang!

Opo, mukha ngang napilitan lang si groom (yun eh sa amin lang namang palagay.. hihihih). Pero ano nga bang punto ko sa pagsusulat ng blog na ito? Sa totoo lang, wala naman talaga… kung hindi isang makulit na pagmumuni muni lang na:

Tulad ng pinsan ko at ng bride na itsinismis ko sa inyo, Ganun din kaya ang ganda ng ngiti ko at ningning ng aking mga mata kapag ikinasal na ako?

(teka, ikakasal nga ba ako? Hahahah!)



*dambera- salitang inimbento ni Mac0ie na ang ibig sabihin ay kampana. Hahaha! ^__^