Wednesday, September 16, 2009

Dream Wedding Daw.. xD

Dahil tinutulungan ko ang aking bestfriend sa kanyang wedding preparations, hindi ko din maiwasang kahit paano'y planuhin din ang mga gusto ko sa aking future wedding.

"NATURE". Yun ang theme na gusto ko sa kasal namin since mahilig kami pareho ni Mac0ie sa kalikasan. With that ay naisip kong gawing lime green and brown ang motif. Excited kong ibinalita ito kay Mac0ie.

AKO: Mahal!!! may naisip na akong motif sa kasal natin!
MAC0IE: Talaga? Ano?
AKO: Di ba hilig natin ang nature?
MAC0IE: Oo mahal. What do you have in mind?
AKO: Lime Green and Brown.
MAC0IE: Hmmm.. Gusto ko din yan! :D
AKO: Yeheeyy!
MAC0IE: Anu-ano pa po ba ang plans mo sa wedding natin, mahal?

Nagpatuloy ako sa pagdi-discuss ng dream wedding ko. Mula sa invitation ideas, sa aking gown, sa entourage, souvenirs. Siyempre, pati na din sa honeymoon. At dahil dream wedding ito ay napapansin kong pinagpapawisan na si Mac0ie sa laki ng magagastos namin kung sakali. Nang sa wakas ay tinanong ko ang opinion niya kung saan magandang ganapin ang wedding reception....

MAC0IE: Tamang tama mahal! Meron akong alam na lugar na Lime green and Brown din ang theme! Sakto sa motif natin.
AKO: (excited) Talaga?! :D
MAC0IE: Uu, mahal.
AKO: Saan???
MAC0IE: Dyan.. Sa bahay niyo.

** Acheche! **

Hahahha! mmmmmwaaaah! :D

No comments: