Showing posts with label hope. Show all posts
Showing posts with label hope. Show all posts

Sunday, June 15, 2008

You Really Do Come True...

Sorry for the randomness (not to mention the cheesiness) of this short entry, I just really need to write this down.

For years, this simple dream had been secretly nestling in my heart of hearts: To walk in a crowded place with the love of my life holding my hand, beaming with pride, proclaiming to the world that he is proud of me… and of being seen with me. A narrow-minded wish for some.. but I know those who know me through and through would understand why.

Insecurity is an ugly gaping hole in my personal package that cannot seem to be filled, not even with years of being in some of my relationships. So I gave up hope.

But now, looking at you smiling at me while holding my hand in a crowded place, makes me re-assess my notion of having-a-dream-come-true.

For you don’t look proud with your hand in mine…

…you look happy… contented… and at home…

Yes, happy… not just to be seen with me. But happy that you are with me…

Now I know, without a shadow of doubt:


Dreams… you really do come true.




Tuesday, August 21, 2007

Hiling...

Para sa mga bituin sa langit…

Maniwala man kayo o hindi, naiintindihan ko siya… Hindi din ako kasing sama tulad ng kanyang iniisip… Lahat naman gustong maging maligaya. Hindi naman masamang maghangad nito… Nagkataon lang talaga sigurong ang bagay na hiniling niya sa inyo at ang bagay na magpapasaya sa kanya ay siya ring bagay na nagpapaligaya sa akin…

Hindi na ako magsisinungaling. Alam ko din namang hindi ko kayo maloloko… Nasaktan talaga ako nang kinuha niyo ito sa akin at ibinigay sa kanya… At inaamin kong hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang malaking kakulangang naidulot nito sa buhay ko… Pero tulad ng aking sinabi, naiintindihan ko…

Ganun naman talaga ang buhay, hindi ba? Lahat may kabayaran… Sa tuwing may natatanggap ka, may isang tao ding nawawalan…

At dahil ayoko na ding may masaktan pa sa paghiling ko sa aking pansariling kaligayahan, may isang bagay na lang akong ipapakiusap sa inyo… Hinihiling kong ibigay niyo sana ang kaligayahan ng taong matiyagang humahawak sa kamay ko habang walang sawang nakikinig at dumadamay sa aking kalungkutan… Ito lang kasi ang tangi kong magagawa para sa kanya sa ngayon… salamat...

Monday, August 20, 2007

Tahanan

Malalim na ang gabi ngunit nakatayo pa din ako dito at nakamasid… Nagkukunyaring hindi ko naririnig ang pangungutya ng katahimikan… Hindi ako magpapatalo… Tanging ang iyong mga yabag lamang ang aking hihintaying mapakinggan…

Basta nandito lang ako. Hindi ako titiklop. Mananatili akong nakatayo kahit anong kagustuhan pa ng mapanirang hangin na wasakin ako… Hihintayin kita…

Pasensiya ka na at wala man lang akong palatandaang naibigay para mapadali ang iyong paghahanap. Ngunit naniniwala ako na pagkatapos ng iyong mahaba at nakakapagod na paglalakbay, sa iyong tahanan mo pa din gugustuhing umuwi…

Dadating ka… Mahahanap mo din ang daan pabalik… Naniniwala ako…

Wednesday, August 8, 2007

Ngumingiti, Kinikilig at Umaasa

Eto na naman ako… ngumingiti, kinikilig, umaasa sa bawat pagtunog ng celphone ko na mangilang linggo ding nanahimik… Kung tutuusin, dapat ay sanay na ako. Mahigit isang taon na ding ganito ang set-up natin… Magkasama tayo ngayon, pero bukas makalawa, wala ka na ulit…

Ilang linggo ka ding hindi magpaparamdam. ‘Yun ang mga linggong halos isumpa kita sa galit, mga linggong gusto kitang sumbatan kung paano mo nagagawang maging masaya habang impiyerno ang buhay ko… Mga linggong nililimot mo ang halos anim na taon nating pagsasama… mga linggong kasama mo siya…

Lagi akong tinatanong ng mga kaibigan ko… ‘Bakit niya nagagawa sa’yo ‘yan? Bakit ka pumapayag? Bakit siya pa? Bakit ang tanga mo at hindi ka pa bumibitiw?... Ngunit puro pagpatak ng luha at kibit lang ng balikat ang kaya kong isagot… Hindi ko din kasi alam. Napakarami din kasing tanong sa isip ko… Napakaraming ‘Bakit?’

Bakit nga ba sa kabila ng lahat, hindi ka maging ganap na masaya? Bakit nga ba kailangang paghanapan mo ako ng mga bagay na alam mong hindi mo naman makikita sa akin? Bakit nga ba hindi ka makuntento sa kung anong meron ako? Bakit nga ba lumilingon ka pa sa iba? Bakit nga ba..?

Sa mga linggong hindi ka nagpaparamdam, naglalabasan lahat ng mga ‘bakit?’ sa isip ko… Sa katunayan, pina-practice kong lahat ‘yan kung paano ko itatanong sa’yo sa paraang tama ang timpla: Mahinahong boses, tamang pagpili ng mga salita, tamang galaw ng mukha at kumpas ng kamay. Dapat tama din ang timing pati ang ambiance. Paulit-ulit ko ‘yang pina-practice. Practice makes perfect sabi nga nila.

Dapat kasi lahat tama… Para hindi ka magalit… para hindi ka masaktan… para malaman mo din na kahit nakasanayan na natin ang ganitong set-up, hindi ko pa din makakasanayan ang sakit… para maintindihan mo ako…

Pero siguro nga talagang engot ako pagdating sa aspetong ito ng buhay… Dahil sa tuwing bumabalik ka na galing sa matagal mong pananahimik, lahat ng prinaktis ko, ayun, nawawala. Isang ‘hi’ mo lang, lahat ng tanong, nakakalimutan. Lahat ng sama ng loob, naglalaho… Ang natitira lang, matatamis na ngiti, kilig at pag-asa…

Tulad ngayon, hawak kong muli ang celphone ko na mangilang linggo ding nanahimik… eto na naman ako… ngumingiti… kinikilig… umaasa…

Tuesday, August 7, 2007

mY sO-cALLeD-HaPpiNesS

You said you just want to be happy
and i can perfectly understand that...
It's what everyone wishes for, is it not?
...to be happy...?

But not finding your own happiness
is not an excuse.

It can never be a reason
for stealing other's...

You will never be happy
that way... never...

You may hate me for saying this
but you have to wake up now.

Believe me, you wouldn't
want to be in my shoes...
Once you feel the way I am
feeling now,
you will realize how the things
you did can actually destroy other people's hope.
Hope that had been four years in the making...
only to see it smashed into pieces...

When that day comes, you will know...
And maybe, by feeling the hurt that comes with it,
you will know better than to do that again.

You've had your moment
Now please let me have mine...