Showing posts with label smile. Show all posts
Showing posts with label smile. Show all posts

Friday, December 10, 2010

Fifteen Fictional Characters

The Rules: Don't take too long to think about it. Fifteen fictional characters (television, films, plays, books, video games) who've influenced you and that will always stick with you. List the first fifteen you can recall in no more than fifteen minutes. Tag at least fifteen friends, including me, because I'm interested in seeing what characters my friends choose.

  1. Ginoong Vitalis – Remy (iniyakan ko ‘to ng todo)
  2. Atticus Finch – To Kill a Mockingbird
  3. Elias – Noli Me Tangere
  4. Patrick Swayze’s character in Ghost.
  5. William Wallace - Braveheart
  6. Simba – Lion King
  7. Mcgyver
  8. Jane Eyre – Jane Eyre
  9. Denny Duquette – Grey’s Anatomy
  10. Kaoru Kamiya – Samurai X
  11. Mulan - Mulan
  12. Noah – The Notebook
  13. Santa Claus
  14. Yamada - Honey and Clover
  15. Rick - Casablanca

Wednesday, February 18, 2009

Things that never fail to make me smile

-Nightly quality time with my Mom and Dad.

-The smell and taste of a good coffee.

-Early morning walks with Mac0ie.

-A look that excludes all else.

-Jelai’s and Ayin’s laughter.

-Meaningful conversations.

-Driving along Eton city.

-Childhood innocence.

-Sunrise and Sunset.

-Mac’s hand in mine.

-Being with friends.

-Writing a novel.

-Excellent food.

-A good book.

-Road trips.

-Ocean.

-Art.

-Music.

-Poetry.

-Rainbow.

-Full moon.

-Daydreams.

-Nice Ukay finds.

-People-watching.

-Strawberry shakes.

-Understanding people.

-Bonding with my cats.

-Two shadows on a wall.

-Singing in the bathroom.

-Photo shoots with Vhojie.

-My arms around my bolster.

-A compliment on my cooking.

-Patter of rain against the roof.

-Sitting on a grass on a windy day.

-Seeing an old couple holding hands.

-sessions with good old Basty, my guitar.

-The Cure’s Boys Don’t Cry and Friday I’m in Love.

Saturday, April 19, 2008

Ang Ngiti ng Isang Ikakasal

Kahapon ay ikinasal ang pinsan kong si Joluz. Hay… Kapag tinitingnan ko ang saya sa kanyang mukha, hindi ko din mapigilang mapangiti… Ang sarap sarap nga talaga siguro ng pakiramdam ng ikinakasal. Yung tipong alam mong nandoon ang pamilya at mga kaibigan mo para makiparte sa isa sa pinakamahalagang parte ng iyong buhay. At siyempre pa, nandoon sa may altar ang lalaking sumusumpang mamahalin at aalagaan ka habambuhay, kesehodang maging lumba lumba ka pa o kaya naman magmukhang palad na ang mukha mo sa dami ng age lines. Hay, ang sarap malamang may magmamahal sa iyo ng ganon… =) (*kilig kilig*)

Naalala ko din tuloy nang bumisita kami sa isang matandang simbahan sa may Pila, Laguna noong isang buwan. Kasama ko ang aking kaibigang si Mac0ie sa mga bench na di kalayuan sa simbahan. Kasalukuyan kaming nagdo-drawing, (Hehe, siya ang nagdo-drawing. Ako, nagpapanggap lang!) nang biglang tumunog ang *dambera. Nalaman naming may ikakasal pala. At dahil likas na sa amin ang pagiging usisero at usisera ay pumasok din kami sa loob ng simbahan para tingnan ang ikakasal. In fairness, ang ganda nung bride. Nagniningning ang mga mata. At yung groom? Ah eh… Hayaan niyo na lang na ang usapang ito ang magsabi para sa akin.

Mac0ie: hahaha! Ady, bakit ganyan ang ngiti mo? Daig mo pa yung bride!
Gladys: (blushing) Eh kasi… nakakahawa yung ngiti niya. Parang ang saya saya niya… parang inlove na inlove…
Mac0ie: oo nga, no? (looks at the groom) Pero bakit ganun? Yung groom parang kanina pa pinagpapawisan? Ni hindi ngumingiti?
Gladys: oo nga noh! Hmmm… baka naman kinakabahan?
Mac0ie: pwede.
Gladys: pero anong dapat ikakaba eh wala namang tumutol nang magtanong ang pari? (thinking) aha! Baka napu-pupu lang siya! Hihihi…
Mac0ie: hehe, sira! Hmmm… Baka naman di pa sawa sa pagkabinata?
(a beat) hindi kaya..?
Mac0ie and Gladys: Shotgun wedding yan?
Gladys: hahaha.. tama tama! Kaya siguro ganyan yung itsura nung groom, napilitan lang!

Opo, mukha ngang napilitan lang si groom (yun eh sa amin lang namang palagay.. hihihih). Pero ano nga bang punto ko sa pagsusulat ng blog na ito? Sa totoo lang, wala naman talaga… kung hindi isang makulit na pagmumuni muni lang na:

Tulad ng pinsan ko at ng bride na itsinismis ko sa inyo, Ganun din kaya ang ganda ng ngiti ko at ningning ng aking mga mata kapag ikinasal na ako?

(teka, ikakasal nga ba ako? Hahahah!)



*dambera- salitang inimbento ni Mac0ie na ang ibig sabihin ay kampana. Hahaha! ^__^

Wednesday, August 8, 2007

Ngumingiti, Kinikilig at Umaasa

Eto na naman ako… ngumingiti, kinikilig, umaasa sa bawat pagtunog ng celphone ko na mangilang linggo ding nanahimik… Kung tutuusin, dapat ay sanay na ako. Mahigit isang taon na ding ganito ang set-up natin… Magkasama tayo ngayon, pero bukas makalawa, wala ka na ulit…

Ilang linggo ka ding hindi magpaparamdam. ‘Yun ang mga linggong halos isumpa kita sa galit, mga linggong gusto kitang sumbatan kung paano mo nagagawang maging masaya habang impiyerno ang buhay ko… Mga linggong nililimot mo ang halos anim na taon nating pagsasama… mga linggong kasama mo siya…

Lagi akong tinatanong ng mga kaibigan ko… ‘Bakit niya nagagawa sa’yo ‘yan? Bakit ka pumapayag? Bakit siya pa? Bakit ang tanga mo at hindi ka pa bumibitiw?... Ngunit puro pagpatak ng luha at kibit lang ng balikat ang kaya kong isagot… Hindi ko din kasi alam. Napakarami din kasing tanong sa isip ko… Napakaraming ‘Bakit?’

Bakit nga ba sa kabila ng lahat, hindi ka maging ganap na masaya? Bakit nga ba kailangang paghanapan mo ako ng mga bagay na alam mong hindi mo naman makikita sa akin? Bakit nga ba hindi ka makuntento sa kung anong meron ako? Bakit nga ba lumilingon ka pa sa iba? Bakit nga ba..?

Sa mga linggong hindi ka nagpaparamdam, naglalabasan lahat ng mga ‘bakit?’ sa isip ko… Sa katunayan, pina-practice kong lahat ‘yan kung paano ko itatanong sa’yo sa paraang tama ang timpla: Mahinahong boses, tamang pagpili ng mga salita, tamang galaw ng mukha at kumpas ng kamay. Dapat tama din ang timing pati ang ambiance. Paulit-ulit ko ‘yang pina-practice. Practice makes perfect sabi nga nila.

Dapat kasi lahat tama… Para hindi ka magalit… para hindi ka masaktan… para malaman mo din na kahit nakasanayan na natin ang ganitong set-up, hindi ko pa din makakasanayan ang sakit… para maintindihan mo ako…

Pero siguro nga talagang engot ako pagdating sa aspetong ito ng buhay… Dahil sa tuwing bumabalik ka na galing sa matagal mong pananahimik, lahat ng prinaktis ko, ayun, nawawala. Isang ‘hi’ mo lang, lahat ng tanong, nakakalimutan. Lahat ng sama ng loob, naglalaho… Ang natitira lang, matatamis na ngiti, kilig at pag-asa…

Tulad ngayon, hawak kong muli ang celphone ko na mangilang linggo ding nanahimik… eto na naman ako… ngumingiti… kinikilig… umaasa…