Showing posts with label wish. Show all posts
Showing posts with label wish. Show all posts

Monday, September 17, 2007

The Cat That No Longer Hiss or Meow

A cat. That’s what my friends have always likened me into. Frail and meek, wild and proud, both phrases true depending upon the situation… I love being cat-like with its adventurous disposition…

But you never liked cats… at least not in the way you love dogs… Unlike cats that often stray from the borders, you loved dogs for their sweet and dependable nature…

And I love you… and the way you loved trained dogs…

So mustering courage, I joined the dogs even with my tiny cat feet… All traces of cat pride, gone… Listening to your orders as if they were prayers… “Sit,” “Roll over,” “Fetch.”

Flawlessly imitating each dog’s execution… Ridiculously wagging my tail… Waiting… for you to notice… for you to hug me like one of them… for the tiniest bit of appreciation that never came…

But I love you… so I drew closer and asked if there’s anything I can do to make you happy… You looked at me for the first time and smiled… and for a moment, it was bliss… until you spoke this line that shattered my dreams:

“Just play dead… forever.”

Tuesday, August 21, 2007

Hiling...

Para sa mga bituin sa langit…

Maniwala man kayo o hindi, naiintindihan ko siya… Hindi din ako kasing sama tulad ng kanyang iniisip… Lahat naman gustong maging maligaya. Hindi naman masamang maghangad nito… Nagkataon lang talaga sigurong ang bagay na hiniling niya sa inyo at ang bagay na magpapasaya sa kanya ay siya ring bagay na nagpapaligaya sa akin…

Hindi na ako magsisinungaling. Alam ko din namang hindi ko kayo maloloko… Nasaktan talaga ako nang kinuha niyo ito sa akin at ibinigay sa kanya… At inaamin kong hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang malaking kakulangang naidulot nito sa buhay ko… Pero tulad ng aking sinabi, naiintindihan ko…

Ganun naman talaga ang buhay, hindi ba? Lahat may kabayaran… Sa tuwing may natatanggap ka, may isang tao ding nawawalan…

At dahil ayoko na ding may masaktan pa sa paghiling ko sa aking pansariling kaligayahan, may isang bagay na lang akong ipapakiusap sa inyo… Hinihiling kong ibigay niyo sana ang kaligayahan ng taong matiyagang humahawak sa kamay ko habang walang sawang nakikinig at dumadamay sa aking kalungkutan… Ito lang kasi ang tangi kong magagawa para sa kanya sa ngayon… salamat...